Tuluyan nang nilinis ng Sandiganbayan sa lahat ng criminal charges, kaugnay ng pork barrel fund scam si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr.
Batay sa promulgation ng Sandiganbayan Special First Division, bumoto ang dalawang mahistrado para i-abswelto si Revilla, habang isa naman ang nais na isilong pa rin ang kaso.
Ang nasabing mga reklamo ay binubuo ng 16 na bilang ng graft charges.
Kabilang sa mga bumoto para ma-acquit si Revilla ay sina Associate Justices Geraldine Faith Econg, Edgardo Caldona at Rafael Lagos, habang kumontra naman sina Associate Justices Efren dela Cruz at Bayani Jacinto.
Sa kabila nito, buhay pa rin umano ang mga reklamo laban sa binansagang pork barrel scam queen na si Janet Lim-Napoles.
Una na ring na-convict si Napoles para sa plunder charges kaugnay ng paggamit umano nito ng mga pekeng non-governmental organizations (NGOs).
Ang kapwa nila akusado at dating tauhan ni Revilla na si Richard Cambe ay hindi na rin kasama sa kaso dahil pumanaw na ito habang nakakulong sa New Bilibid Prisons (NBP).