Kinumpirma ni Palace Press Officer USec. Claire Castro na ang Konektadong Pinoy bill has lapsed into law.
Ayon kay USec. Castro sa ilalim ng 1987 Constitution anumang panukalang batas na hindi nilagdaan o unvetoed ng Pangulo ng bansa ay otomatikong magiging ganap na batas ito.
Ang Konektadong Pinoy Bill o ang Open Access in Data Transmission Act naglalayong pahusayin ang internet access sa pamamagitan ng pagtaas ng kompetisyon sa mga service provider, partikular sa mga malalayong lugar at sa paligid ng mga paaralan.
Para sa mga supporters ng nasabing batas, magandang balita ito dahil lalong lalakas ang kompetisyon at magiging mababa na ang internet cost.
Gayunpaman nagpahayag ng pangamba ang ilang mga players sa industry sa nasabing batas na naglalayong payagan ang mga bago at mas maliliit na players na mamuhunan sa imprastraktura ng paghahatid ng data nang hindi nangangailangan ng pambatasang prangkisa.