-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang pagbabantay ng Securities and Exchange Commission (SEC) laban sa mga hindi rehistradong cryptocurrency platforms na target ang mga Pinoy.

Ayon sa SEC na naglabas na sila ng advisory ukol sa mga hindi rehistradong crypto platforms.

Kinabibilangan nito ng Blofin, CoinW, DigiFinex, LBank at Pionex.

Ang nasabing mga platforms ay nakitang maaring gumamit ng mobile number sa Pilipinas ganun din ay tumatanggap sila ng Philippine Peso.

Walang anumang mga permit o dokumento ang mga ito mula sa SEC.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay ilang iligal din na crypto currency platforms ang nasita ng SEC na nag-ooperate sa bansa.