-- Advertisements --

Walang ginawang pagbabago ang Securities and Exchange Commission (SEC) sa diskuwentong ibinibigay sa mga bawat transaksyons sa micro, small and medium enterprises (MSMEs).

Ayon sa SEC na bahagi ito para sa pagsuporta sa paglago ng mga maliliit na negosyo sa bansa.

Nakasaad sa memorandum circular na inilabas pa noong nakaraang taon na magbibigay ang SEC sa mga diskuwento sa filing fees ng mga MSME.

Ang bawat MSME na magrerehistro bilang korporasyon ay binibigyan ng 20 percent na diskuwento sa registraion fee hanggang katapusan sana ng 2025 subalit ito ay pinalawig ng hanggang Marso 31, 2026.