-- Advertisements --

Dismayado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos inspeksyuni ang ang lumalalang kalagayan ng rock shed project sa Camp 6, Barangay Camp 4, Tuba, Benguet ngayong araw ng Linggo.

Sa isang pahayag sa media binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang epekto ng pagsasara sa mga lokal na negosyo.

Aniya tinatayang nasa 35% sa kabuhayan ng mga taga Benguet ang nawala.

Sinabi ng Presidente bukod sa pinsala sa lokal na ekonomiya,nagdulot din ito ng pisikal na sira sa lugar.

Napinsala nang husto ang kabuhayan ng tao dahil ang pondo na dapat gawing standard at maaasahan ang imprastruktura ay pinasok ng mga corrupt.

Nangako si Pangulong Marcos na bago siya bumaba sa pwesto ay kaniya lulutasin ang nasabing isyu.

Ang P264-million rock shed poject sa may Kennon Road ay dinisensyo para protektahan ang mga motorista mula sa rockfalls.

Gayunpaman kwestiyunable ang integridad ng istruktuka.

Binatikos din ni Pangulong Marcos ang rock netting project kung saan kaniyang tinawag na “shady deals.”

Inihayag ng Pangulo malinaw na 75% ng kontrata ay binulsa ng mga corrupt na mga indibidwal.