-- Advertisements --
Nagwagi sa unang round ng US Open si Pinay tennis star Alex Eala.
Tinalo nito si World Number 15 na si Clara Tauson ng Denmark sa score na 6-3, 2-6, 7-6(11).
Sa unang set ay nadomina ni Eala ang laro subalit nakabawi si Tauson pagdating ng ikalawang set.
Pagpasok ng ikatlong set ay muntik ng matalo ang Pinay tennis sensation subalit nanaig ang galing nito laban kay Tauson.
Hihintayin pa nito kung sino ang makakaharap niya sa ikalawang round ng US Open.