GENERAL SANTOS CITY – Naghahanap pa ng dagdag na ebidensya ang pulisya kaugnay sa pagbaril patay ng isang retiradong sundalo sa Yumang Street, Barangay San Isidro nitong lungsod ng Heneral Santos.

Ang biktima ay nakilala na si ret. Col. Jack Espera, 67 anyos, residente ng Cagayan de Oro at temporaryong naninirahan sa naturang lugar.

Ayon sa mga residente na ilang buwan pa lang naninirahan ang biktima dito sa lungsod.

Binaril ang biktima ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo.

Base sa inisyal na imbestigasyon na si Espera ay sinasabing nagbebenta ng taklobo.

Ang mga pulis ay nakikipag-ugnayan na sa pamilya at sa mga nakakilala sa kanya para mas mapalalim pa ang imbestigasyon at malaman ang dagdag na background ng nasabing retiradong sundalo.