Ret. Army Gen. Morales ipinalit ni Duterte kay MWSS chief Velasco
Pinalitan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinuno ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na si Reynaldo Velasco.

Inianunsyo ito ni Pangulong Duterte kagabi sa isinagawang thanksgiving party ni Senator-elect Bong Go sa Davao City.Sa talumpati ni Pangulong Duterte, inihayag nitong si retired Army Gen. Ricardo Morales na ang mamumuno sa MWSS.

Si Morales ay taga-Davao din at pabirong sinabi ni Pangulong Duterte na ito ay rebelde rin.

Ang pagtatalaga ni Pangulong Duterte kay Morales kapalit ni Velasco ay kasunod ng naranasang krisis sa tubig sa Metro Manila at Rizal nitong Marso na kanyang ikinagalit. 

Sa isa namang panayam kay Morales sa Davao, inihayag nitong hinihintay na lamang niya ang kaniyang appointment papers at handa nang gampanan ang bagong trabahong iniatang sa kanya ni Pangulong Duterte.