-- Advertisements --
Taal Volcano close up aerial lake

Bagamat patuloy ang pananahimik ng bulkang Taal ay nagkakaroon pa rin umano resupply ng magma ang bulkan.

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, patuloy pa rin umano ang aktibidad ng bulkan kahit kaunti na lamang ang ibinubuga nitong usok at asupre.

Aniya dahil sa na-monitor nilang resupply ng magma gamit ang kanilang mga instrumento ay naniniwala ang Phivolcs na nasa ilalim lang ito ng bulkan.

Ito ngayon ang tinututukan ng Phivols kung mabilis o mabagal ang pag-akyat ng magma sa ibabaw ng crater ng bulkan.

Maliban sa resupply ng magma, nanatili ang posibilidad na pagsabog dahil na rin sa dami ng naitalang volcanic quakes.

Sinabi ni Solidum na sa nakalipas lamang na 24 oras ay nasa 481 volcanic quakes ang naitala ng Phivolcs.

Dahil dito, inirekomenda pa rin ni Solidum na magkaroon ng force evacuation sa Taal Volcano Island maging sa mga residenteng nasa ilalim ng 14 kilometer permanent danger zone dahil sa panganib na dulot ng resupply ng magma.