Isinusulong ng ilang mambabatas ang pagkilala bilang National Artist ang namayapang comedy icon na si Dolphy.
Inihain ni Manila 3rd District Representative Joel Chua ang House Resolution 41 nitong Miyerkules , Hulyo 9 o isang araw bago ang paggunita sa ika-13 death anibersaryo ng komedyante.
Ang National Artist ay isa sa mga pinakamataas na pagkilala na ibinibigay sa mga indibidwal na mayroong mahalagang kontribusyon sa Philippine arts and culture.
Nakasaad sa resolution ang pagsasagawa ng pagdinig ng committees on Creative Industries and Basic Education & Culture para pormal na ma-nomina ng National Commission for Culture and the Arts ng yumaong actor na si Rodolfo “Dolphy” Quizon Sr.
Namayapa ang comedy King ng pelikulang Pilipino noong 2012 dahil sa multiple organ failure kung saan ito ay inilibing sa Heritage Park sa Taguig.