Kinasuhan ng Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)si Cavite Representative Kiko Barzaga.
Ayon kay CIDG Director Maj. Gen. Robert Alexander Morico II na ang kasong sedition at inciting to rebellion ay isinampa sa Quezon City prosecutors office dahil sa pagsisimula ng gulo noong September 21 “Trillion Peso March”.
Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye si Morico dahil sa baka makasira sa imbestigasyon ng piskalya.
Sa social media post naman ni Barzaga ay nagpost ito ng subpoena na pinapadalo ito ng personal sa Quezon City Prosecutors office ng Nobyembre 17 at 25 para sa preliminary investigation.
Magugunitang makailang ulit na nagpost si Barzaga sa kaniyang social media na inaakusahan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ng kurapsyon.
Siya rin ang nasa likod ng pagtawag ng mga tao para magsagawa ng protesta sa harap ng Forbes Park sa Makati City kung saan nandoon ang bahay nina Leyte Rep. Martin Romualdez at ang nagbitiw na si Rep. Zaldy Co.















