-- Advertisements --

Ibinunyag ni Caloocan Rep. Edgar Erice na balak magbitiw sa kaniyang tungkulin ang isang miyembro ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) dahil sa kakulangan o limitadong kapangyarihan ng Komisyon.

Sa kaniyang privilege speech sa plenaryo kanina, sinabi ni Erice na personal niyang nakausap ang nasabing ICI member.

Dahil dito hinikayat ni Erice ang Kongreso na mag pasa ng panukalang batas na nagbibigay ng contempt powers sa Komisyon.

Sinabi ni Erice nawawalan ng pag-asa ang nasabing ICI member dahil sa limitado ang kanilang kapangyarihan.

Aniya, kung walang contempt powers ang ICI, mas maigi na ang National Bureau of Investigation (NBI) at ang Ombudsman na lamang ang mag imbestiga.

Giit ng Kongresista hihilingin nila na sertipikahang urgent ang nasabing panukala at magpapatawag ng special session hinggil dito.

Sa ngayon wala pang tugon ang Palasyo ng Malakanyang kaugnay sa inihayag ni Erice.