-- Advertisements --

Nagpahayag ng matinding pagkadismaya si Davao City Rep. Paolo Duterte, matapos ang kontrobersyal na pagkakatalaga kay Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla bilang bagong Ombudsman

Sa isang maikling pahayag, sinabi ni Duterte ang ganitong mga kataga:

“It makes sense. Sa dami ng problema ng mga nakaupo ngayon, kailangan nila ng lahat ng tulong na makuha nila para mapagtakpan sila… even at the cost of making a mockery of our Constitution. God bless the Philippines.”

Ang Ombudsman ay isang independent constitutional office na may tungkuling magsiyasat at magsampa ng kaso laban sa mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa katiwalian.

Dahil dito, may ilang grupo ang nagpahayag ng pangamba sa posibleng conflict of interest sa pag-upo ni Remulla, na dating bahagi ng gabinete ng Pangulo, sa isang posisyong dapat ay malaya sa impluwensiya ng pamahalaan.

Si Remulla ay itinalaga bilang Ombudsman matapos ang pagreretiro ni Samuel Martires, na naging sentro rin ng mga kontrobersiya kaugnay ng transparency at access sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng mga opisyal.

Sa kabila ng mga batikos, nanindigan ang Malacañang na legal at naaayon sa proseso ang appointment.

Samantala, nanawagan si Rep. Duterte sa publiko na maging mapagmatyag at ipaglaban ang integridad ng mga institusyong dapat nagsusulong ng accountability sa pamahalaan.