-- Advertisements --
Binalewala lamang ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang mga batikos sa kaniya sa ginanap Trillion Peso March nitong Nobyembre 30.
Sinabi nito na mayroong karapatan ang mga protesters na maghayag ng kanilang saloobin.
Dagdag pa nito na sanay na siya sa anumang batikos mula sa mga kritiko nito.
Bahagi na rin aniya sa kaniyang trabaho ang tumanggap ng anumang batikos at hindi na rin nito iniintindi.
Magugunitang minura ng ilang protesters si Remulla noong ito ay bumisita sa nagaganap na kilos protesta sa C.M. Recto Avenue sa lungsod ng Maynila.
















