-- Advertisements --
Binigyang diin ng ilang grupo na kailangan ang epektibo at maayos ang trabaho ng ating power regulators para matiyak na tama at hindi labis ang pagtaas ng singil sa kuryente.
Ito ang reaksiyon ni Nic Satur, Junior, Partners for Affordable and Reliable Energy (PARE) at chief advocate officer kaugnay ng ipatutupad na taas-singil sa kuryente ng Meralco ngayong buwan.
Bukod dito, kailangan din ang tulong ng Kongreso para sa oversight o imbestigasyon kapag may anomalya sa usapin sa kuryente at kailangan ding lumahok o makialam ang mga consumer.
Mahalaga umanong makunsulta ang lahat ng stake holders bago ang anumang hakbang na posibleng may mabigat na impact sa kanilang kabuhayan.