-- Advertisements --

Nalusutan ng Meralco Bolts ang TNT 97-89 sa Game 3 ng PBA Philippine Cup semifinals.

Dahil sa panalo ay mayroon ng isang panalo ang Bolts habang mayroong dalawang panalo ang TNT para sa best of seven semifinals.

Mula sa simula ng laro ay hawak ng Bolts ang kalamangan kung saan hindi na hinayaan nilang makahabol pa ang TNT.

Mayroong tig-18 points sina Chris Banchero at CJ Cansino habang mayroong 17 points ang naitala ni Chris Newsome.

Nasayang naman ang ginawang 28 points ni RR Pogoy at 14 points naman ni Brandon Ganuelas-Rosser para sa TNT.