Inanunsyo ng Meralco na magkakaroon ng P0.3557 per kilowatt hour (kWh) na bawas-singil sa kuryente ngayong Disyembre.
Dahil dito, ang kabuuang rate para sa tipikal na bahay ay magiging P13.1145 per kWh.
Tinatayang P71 ang mababawas sa bill ng mga pamilyang kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan.
Ayon kay Meralco VP at Head of Corporate Communications Joe Zaldarriaga, inaasahan nilang makapagbibigay ito ng “much-needed relief” lalo na ngayong papalapit ang holiday season.
Iniuugnay ng Meralco ang pagbaba ng singil sa mas mababang transmission charges mula sa National Grid Corporation of the Philippines, at mas mababang generation charges mula sa Independent Power Producers dahil sa bumabang presyo ng natural gas, mas maayos na plant dispatch, at pag-appreciate ng piso.
















