Iniulat ng Meralco na bumaba na sa humigit-kumulang 197,000 ang bilang ng mga customer na walang kuryente nitong Lunes ng umaga pasado alas-10 ng umaga, mula sa mahigit 400,000 na naitala noong hatinggabi ng Lunes.
Karamihan sa natitirang outage ay nasa Cavite, Bulacan, Quezon, at Metro Manila, habang may maliit na bahagi rin sa Rizal, Laguna, at Batangas ang wala pang kuryente.
Dagdag ng Meralco na patuloy ang 24-oras na trabaho ng Meralco crews upang maibalik nang ligtas ang serbisyo sa kuryente para sa mga apektadong lugar ng Super Typhoon Uwan (Fung-Wong).
Kaugnay nito na humihiling ang kumpanya sa mga customer ng pasensya at pag-unawa, dahil inuuna daw muna nito ang kaligtasan sa pagpapanumbalik ng kuryente, lalo na sa mga lugar na binaha, kung saan may humigit-kumulang 10,000 customer pa rin ang walang kuryente.
Pinayuhan rin ang publiko na magsagawa ng electrical safety measures bago ibalik ang kuryente.
















