-- Advertisements --

Umabot na sa mahigit P3 billion ang kabuuang pinsala sa infrastructure at agrikultura na dulot ng magkakasunod na bagyong Tino at Uwan, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Kung saan aabot na sa P1 billion na halaga ng food at non-food relief items ang naipamahagi sa mga lugar na sinalanta, habang mahigit 90,000 pamilya o 300,000 katao ang nananatili sa mga evacuation center sa buong bansa.

Kasabay nito nakapagbigay na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P612 million na ayuda sa mahigit 2.25 milyong pamilya na naapektuhan ng Uwan.

Batay sa tala ng ahensya nasa mahigit 12 million naman ang naapektuhan ng Super Typhoon Uwan kung saan umabot sa P2.01 billion ang iniwang pinsala nito sa imprastraktura at P182.38 million sa agrikultura.

Nasa 26 ang naiulat na nasawi, at higit 253,000 bahay ang nasira.

Habang nag-iwan din ng P490.11 million na pinsala sa imprastraktura at P484.87 million sa agrikultura, at nagdulot ng 250 nasawi at lampas 265,000 napinsalang bahay ang Typhoon Tino.

Samantala iniulat din ni DSWD Asst. Sec. Irene Dumlao, na lahat ng pamilyang apektado, nasa evacuation centers man o nakikitira sa kaanak ay kwalipikadong tumanggap ng tulong.

Ngunit mas mabilis lang maasikaso ang nasa evacuation centers dahil agad silang napo-profile.