-- Advertisements --

Isang green revolution out of necessity ang nagaganap sa mga kalsada ng kabisera ng Cuba habang nagiging mahal at kakaunti ang gasolina dahil sa tuminding fuel crisis, kaya’t maraming driver at commuters ang tumatalikod sa tradisyonal na taxi at lumilipat sa electric tricycles.

Ang krisis ay lalong umigting matapos ipataw ng Estados Unidos ang oil blockade, na nagpatigil sa pagpasok ng langis mula sa pangunahing supplier ng Cuba na Venezuela at nagdulot ng malawakang kakulangan sa langis.

Dati’y karaniwan na makikita sa mga lansangan ng Havana ang mga taxi na pinapagana ng gasolina, ngunit dahil sa kakulangan ng suplay at pagtaas ng presyo, marami nang driver ang inabandona ang kanilang mga sasakyan.

Nabatid na nasa six-at eight-seater ang mga tumatakbo na electric tricycle, na karaniwang mas mura sa taxi fare, na siya namang patok rin sa mga pasahero.

Gayunpaman, humaharap din sa problema ang ganitong uri ng sasakyan dahil nangangailangan ito ng kuryente, at sa isang siyudad na nakararanas ng paghinto ng kuryente hanggang 12 oras kada araw dahil sa kakulangan ng fuel para sa power plants, mahirap silang i-charge.

Kadalasan, hinihintay pa ng mga may-ari ang pagbalik ng kuryente o gumagamit ng mga generator o solar panel sa kanilang baha para makapag-charge lang.