-- Advertisements --
Nakatakdang palayain ng Cuba ang 2,010 na inmates.
Ang nasabing bilang ay siyang pinakamalaking pagpapalaya ngayong taon dahil sa pressure kay US President Donald Trump.
Nagpasya ang gobyerno na mabigyan ng pardon ang mga inmates base sa kanilang mga good conduct, health status at ang bigat ng kanilang mga kaso.
Kinabibilangan ito ng mga kabataan, babae at mga may edad na mahigit 60 ganun din ng mga dayuhan.
Hindi naman kasama dito ang mga may mabigat na mga kaso gaya ng murder, homicide, sexual assault o crime against authority.
















