-- Advertisements --

Nag-iwan ng malaking damyos sa Jamaica ang Category 5 Hurricane Melissa.

Ayon sa Jamaica Public Service nasa 77 percent ng kanilang bansa ang walang suplay ng kuryente dahil sa hagupit ng hurricane Melissa.

Nagpadala na rin ang US State Department ng response team sa Jamaica at ilang Carribean countries na dinaanan ng Hurricane Melissa.

Bukod sa Jamaica ay tumama rin sa Cuba ang Hurricane na nasa Category noong maglandfall doon.

Aabot naman sa 25 katao ang nasawi sa Petit-Goâve, Haiti matapos na umapaw ang pangunahing ilog sa nasabing na nagdulot ng malawakang pagbaha.

Nasa Category 2 na ang hurricane habang binabagtas ang Bahamas na mayroong lakas na hangin na 100 miles per hour.