Tinapos na ng Morocco ang pag-asa ng Haiti na makapasok sa Round of 32 matapos nilang dominahin ang laban ngayong umaga, Hunyo 25, sa iskor na 4-2.
Hindi naging madali ang panalo para sa African champions dahil matindi ang naging pagtutol ng Haiti na sinubukang tapatan ang lakas ng Atlas Lions.
Dalawang beses pang naiwan ang Morocco sa unang bahagi ng laban matapos ang impresibong opensiba ng underdog team na Haiti, ngunit sa pagpasok ng second half ay rumesponde na ang mga substitute ng Morocco.
Sa pagtatapos ng first half, tangan ang 2-2 na score, agad binasag ng Moroccan striker na si Soufiane Rahimi ang tablang iskor upang ibigay sa kaniyang koponan ang 3-2 na kalamangan.
Kinalaunan, tuluyang sinelyuhan ni Gessime Yassine ang laban sa ika-89 minuto gamit ang isang magandang goal sa gilid ng net.
Dahil sa tagumpay na ito, pumasok ang Morocco bilang runners-up ng Group C sa likod ng nangungunang koponan na Brazil at nakatakdang makaharap ang magwawagi sa Group F sa darating na Lunes sa Mexico.
















