-- Advertisements --

Aabot sa 37 katao ang nasawi matapos ang naganap na flash floods sa Morocco.

Nalubog sa tubig at putik ang mga sasakyan sa naganap na flash floods sa Safi region.

Nasira naman ang hindi bababa sa 70 na kabahayan matapos na anudin ng tubig baha.

Dinala rin sa pagamutan ang maraming residente matapos magtamo ng sugat mula a mga inanod na mga debris.

Patuloy ang ginagawang search and rescue operations ng mga otoridad sa mga nawawalang residente.

Nagdulot ng malawakang flash floods ang ilang araw na pag-ulan sa lugar kung saan umapaw ang ilog.