-- Advertisements --

Patay ang tatlong katao dahil sa malawakang pagbaha sa ilang bahagi ng California.

Ang bagyo ay bumayo sa ilang bahagi ng Los Angeles kaya ilang residente ang inilikas.

Maraming kalsada din sa lugar ang isinara dahil sa malawakang pagbaha.

Idineklara naman ni Governor Gavin Newsom ang state of emergency sa Los Angeles at ilang bahagi ng southern California.

Nakabalik naman ang suplay ng kuryente sa maraming bahagi ng California.