Nagtapos sa 1-1 score na tabla ang sagupaan ng Brazil at Morocco sa kanilang opening match sa Group C ng FIFA World Cup 2026 na ginanap sa MetLife Stadium sa New Jersey.
Unang nakapuntos ang Morocco sa pamamagitan ni Ismael Saibari, ngunit agad namang sumagot ang Brazil sa pangunguna ni Vinicius Junior upang itabla ang laban.
Sa resulta ng laban, parehong may isang puntos ang Brazil at Morocco sa Group C standings, habang naghahanda ang dalawang koponan para sa kanilang susunod na makakalaban. Makakaharap ng Brazil ang Haiti sa June 19, habang sasagupain ng Morocco ang Scotland sa parehong araw.
Samanatala kasalukuyang nangunguna ang Scotland sa Group C na may 1 win katumbas ng 3 points at sinundan naman ng Brazil at Morocco na may 1 Draw katumbas ng 1 points at Haiti na nasa ika-4 na rangking.
Inaasahang magiging mahigpit ang labanan sa Group C habang nag-uunahan ang mga koponan para sa puwesto sa knockout stage ng FIFA WORLD CUP 2026.
















