-- Advertisements --

Kinumpirma ng gobyerno ng Cuba na may communications na nagaganap sa pagitan nila at ng administrasyon ni US President Donald Trump, ngunit wala pa umanong pormal na negosasyon o dialogue sa ngayon.

Ayon kay Cuban Deputy Foreign Minister Carlos Fernández de Cossio, bukas ang Havana sa pakikipag-usap, ngunit hindi pa ito umaabot sa opisyal na usapan para tapusin ang pressure campaign ng Estados Unidos laban sa bansa.

Ang pahayag ay kasunod ng sinabi ni Trump na may mga talks umano sa mataas na liderato ng Cuba at posibleng deal, habang pinaiigting ng US ang pressure sa isla, kabilang ang hakbang na putulin ang suplay ng langis mula sa mga kaalyadong bansa. (report by Bombo Jai)