-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Lubos ang kasiyahan ng labanderang si Analou Sedello, 41-anyos, residente ng Brgy. Los Angeles, nitong lungsod ng Butuan, matapos mapili ang kanyang entry sa 1-2 Panalo Part 24 Grand Draw ng Bombo Radyo matapos manalo ng ₱50,000 na premyo.

Ayon kay Sedello, ito ang unang pagkakataon na sumali siya sa promo ng Bombo Radyo kaya’t hindi niya maipaliwanag ang labis na saya na kanyang nararamdaman dahil sa malaking halagang kanyang napanalunan.

Malaking tulong umano ito para sa kanilang pamilya, lalo na’t hindi sapat ang kanyang kinikita sa paglalaba, bukod pa sa pagsasaka ng kanyang asawa para sa kanilang kabuhayan.

Plano ni Sedello na gamitin ang kanyang napanalunan sa pagpapaaral ng kanyang anak at maglaan din ng bahagi nito para sa kanilang ipon.