-- Advertisements --

Nananatiling nakataas ang red rainfall warning sa Metro Manila at dalawa pang probinsiya sa Luzon ngayong araw ng Martes, sa gitna pa rin ng nagpapatuloy na mabibigat na pag-ulan dala ng habagat.

Kayat patuloy na ibinabala ang seryosong mga pagbaha sa mga flood-prone areas.

Sa ilalim ng red rainfall warning, asahan ang walang humpay na pag-ulan sa loob ng sunod na tatlong oras.

Kabilang pa sa mga nakasailalim sa red rainfall warning ang Bataan, Cavite partikular sa Bacoor, Imus, Kawit, Cavite City, Noveleta, Tanza, Rosario at General Trias.

Habang nakataas naman ang orange rainfall warning o matinding mga pag-ulan sa susunod pang 2 oras sa Zambales, Pampanga, Bulacan, Laguna, Rizal, Batangas at Cavite.

Patuloy ding na pinaaalerto ang mga residente na nasa ilalim ng orange rainfall warning sa banta ng mga pagbaha.

Samantala, nakasailalim naman sa yellow rainfall warning kung saan inaasahan ang malalakas na pag-ulan sa susunod na dalawang oras sa Quezon, Tarlac at Nueva Ecija. Ibinabala din ang mga pagbaha sa mga flood-prone areas.