Nakapagtala ng bagong record high na mga bagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw, May 27, ayon sa Department of Health.

Batay sa case bulletin ng ahensya, may 539 na naitalang mga bagong tinamaan ng sakit, kaya umakyat pa sa 15,588 ang total ng confirmed COVID-19 cases.

Mas mataas lang ang numero ng isa mula sa 538 na mga bagong kaso na naitala noong March 31 .

Mula sa mga bagong kaso ng sakit, 330 ang galing sa National Capital Region. May tig-55 namang naitala sa Central Visayas at mga repatriated OFWs. Habang 99 ang mula sa iba’t-ibang rehiyon.

May 11,069 na active cases mula sa higit 15,000 na total.

Ang bilang naman ng recoveries ay nasa 3,598 dahil sa 92 na bagong gumaling. Pero ang total deaths ay umakyat pa sa 921 dulot ng 17 na bagong naitalang namatay.