DAVAO CITY – Lumalabas ngayon sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan na posibleng pinag-initan umano ang isang real estate broker at negosyante na binaril-patay nitong nakaraang araw sa Purok 3, Peñano St., Calinan sa lungsod.

Una nang kinilala ang biktima na manager at franchisee ng RTM Investment scheme sa Panabo City na si Elizabeth Lanticse Mantalaba, 29.

Agad na nalagutan ng buhay si Mantalaba matapos binaril sa kanyang ulo habang pasakay sa kanyang sasakyan.

Narekober ng kapulisan sa crimescene ang tatlong basyo ng .45 kalibre na baril.

Patuloy pa ngayon ang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing insidente para agad na makilala ang nasa likod ng krimen.