-- Advertisements --
Ikinatuwa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng malaman niyang ito ay nagwagi bilang alkalde ng lungsod ng Davao.
Ayon sa bunsong kapatid nitong si Bong Duterte, binisita nito ang kapatid sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) sa the Hague, Netherlands at ipinarating ang magandang balita.
Laking tuwa nito ng malaman pa lalo na napakalaki ang kaniyang kalamangan laban sa katunggali.
Masaya din ito dahil nahalal ang anak nitong si Sebastian ‘Baste’ Duterte bilang vice-mayor ng Davao, habang ang panganay na anak nito na si Paolo “Pulong” Duterte ay muling nahalal bilang kongresista habang maging ang dalawang apo ng dating pangulo ay nagwagi din sa katatapos na halalan.