CEBU CITY – Nagbunyi rin ang ilang mga basketball fans sa Cebu lalo na ang mga nakapusta sa Toronto Raptors matapos na manalo ang koponan sa NBA Finals Game 1.

Animo’y naging ghost town ang ilang bahagi ng Cebu nang nagsimula na ang laro ng Golden State Warriors laban sa Toronto Raptors.

Malaki rin ang pasasalamat ni Cebu City 1st councilor-elect at PBA legend Dondon Hontiveros na naging parte ito ng commentary program ng Bombo Radyo Cebu sa NBA Finals.

Ayon kay Hontiveros na nagpakita ng kumpyansa ang Raptors, bagay na nagbigay sa team ng lakas ng loob na kaya nila ang defending champion.

Dagdag pa ng dating Cebuano hotshots sa PBA, isang magaling na coach si Nick Nurse dahil sa kanyang istratehiya na bumasa ng laro ng individual player at ng buong team.

Habang sa panig naman ng isang sports analyst, iginiit ni Edmund Navarro na nakatulong sa Raptors ang kanilang karanasan sa nakaraang dalawang series ng playoffs kung saan nakalaban nila ang Philadelphia 76ers at Milwaukee Bucks.