Ikinatuwa ng Commission on Elections (COMELEC) ang naging desisyon ng Manila Regional Trial Court ngayong Lunes na pumabor sa quo warranto petition ng Office of the Solicitor General laban kay Alice Guo dahil siya umano ay isang Chinese national. Idineklara ring walang bisa ang pagkakatalaga ni Guo at ang buong termino niya bilang alkalde ng Bamban, Tarlac
Ayon kay Garcia, nakatakbo at nanalong alkalde si Guo dahil walang nagkuwestiyon sa kanyang Certificate of Candidacy. Binigyang-diin niya na ang tungkulin ng komisyon sa pagtanggap ng COC ay ministeryal lamang
Dagdag pa niya, ang kasong ito ni Guo ay dapat magsilbing hamon at aral sa lahat upang maging mas mapanuri at maagap sa pagkuwestiyon sa mga kandidatong may kahina-hinalang kwalipikasyon o pagkakakilanlan.
Matatandan na naasa kulungan na si Guo mula pa noong Setyembre ng nakaraang taon. Nagsampa ng kasong qualified human trafficking laban sa kanya ang Department of Justice sa Pasig City Regional Trial Court.