Pumanaw na ang babaeng sinalaban habang ito ay patungo para tumestigo laban sa mga gumahasa sa kaniya sa India.

Namatay sa cardiac arrest sa Delhi Hospital ang 23-anyos na biktima matapos na 90% sa kaniyang katawan ay nasunog.

Nangyari ang insident habang ito naglalakad patungo sa korte ng ito ay sinilaban ng mga suspek.

Limang katao ang naaresto kabilang na ang rapist.

Noong Marso ay naghain ng reklamo ang biktima matapos na ito ay gahasain ng dalawang lalaki sa Uttar Pradesh state.