-- Advertisements --

Aabot sa siyam na katao ang nasawi matapos ang pagguho ng tulay sa India.

Nangyari ang insidente sa Vadodara district, Guijarat state sa Western India.

Ayon kay Health Minister Rushikesh Patel, na ilang mga sasakyan ang dumadaan ng gumuho ang bahagi ng nasabing tulay.

Nahulog pa ang ilang tao sa ilog kung saan agad silang iniligtas ng mga rumespondeng otoridad.

Sinasabing dahil sa ilang araw na malalakas na pag-ulan kaya bumigay ang bahagi ng tulay na mula pa noong 1985 ito naitayo.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Indian Prime Minister Narendra Modi sa mga biktima kung saan nagpatawag ito ng masusing imbestigasyon sa pagguho ng tulay.