Namataan ng militar ang presensiya ng dalawang People’s Liberation Army (PLA) Navy Ship sa West Philippine Sea habang nagsasagawa ng ika-14 na Multilateral Maritime Cooperative Activity (MMCA) ang Pilipinas, United States at Australia sa Bajo de Masinloc.
Ayon kay BRP Teresa Magbanua Executive Officer Capt. Adrian Vargas, biglang lumitaw ang mga barko habang nagpapatuloy ang mga pagsasanay sa pagitan ng bansa at nanatiling nagmamatyag sa labas ng designated na exercise box.
Paliwanag pa ni Vargas, hindi lumapit sa exercise box ang mga barko at wala ring nanganap na radio challenge bagkus ay nanatili ang mga Chinese presence malpit sa pagsasanay.
Hindi na rin aniya nagsagawa pa ng challenge sa bahagi ng Pilipinas dahil hindi naman nagging sanhi ng distraction at pagkaantala sa pagsasanay ang mga naturang presensiya.
Samantala, sa kabila man ng mga naging pagmamatyag ng mga barko na ito ng Chinese Communist Party, matagumpay pa ring natapos at naisagawa ang MMCA na siyang naglalayon na hasain at paigtingin pa ang kakayahan at koordinasyon ng Pilipinas sa iba pa nitong kaalyadong bansa lalo na sa pagsasagawa ng mga maritime capability nito.









