-- Advertisements --

Nagmatigas si Indian Prime Minister Narendra Modi na hindi nito tatanggapin ang anumang third-party mediation para sila ay magkasundo ng Pakistan.

Ito ang naging pahayag ni Modi ng makausap niya sa telepono si US President Donald Trump.

Makailang ulit kasi ni nag-alok si Trump na mamagitan sa kanilang Pakistan para maresolba na ang problema sa Kashmir region.

Magugunitang noong Abril 22, ng inakusahan ng India ang Pakistan na sila ang nasa likod ng pag-atake sa Kashmir region kung saan nasawi ang 26 katao na karamihan ay pawang mga turista.

Noong Mayo ay nagsagawa ng paglusob ang India sa Pakistan na nagresulta sa apat na araw na labanan sa border ng dalawang bansa.