Pasok na sa semifinals ng PBA Philippine Cup ang Rain or Shine matapos talunin ang NorthPort 91-85.

Naging bida sa panalo ng Elasto Painters si Ed Daquioag na nagtala ng 15 points habang mayroong 14 points si Rey Nambatac.

-- Advertisement --

Tila nakabawi ang Rain or Shine sa matapos ang muling pagbabalik nila sa semis ng hindi sila nakapasok noong nakaraang season.

Ayon naman kay Rain or Shine coach Caloy Garcia, na sinabihan niya ang kaniyang mga manlalaro na dapat ipanalo ang laban dahil sa halos tatlong linggo silang hindi nakapaglaro.

Ipinagmalaki rin nito ang pag-angat ng mga laro ng kaniyang mga players kaya nagwagi sila.