Tinawagan ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu si Pope Leo XIV.
Isinagawa ang pag-uusap ng dalawa matapos ang airstrike ng Israel sa Holy Family Church sa Gaza na ikinasawi ng tatlong katao at mahigit 10 iba pa ang nasugatan.
Aabot kasi sa mahigit 600 na mga Palestino ang pansamantalang nanunuluyan sa nasabing simbahan mula ng sumiklab ang kaguluhan.
Ayon sa Vatican, na muling hinikayat ng Santo Papa si Netanyahu na magkaroon ng negosasyon sa pagitan nila ng Hamas para tuluyan ng mahinto ang giyera.
Nanawagan din ang si Pope Leo XIV ang kahalagahan ng pagprotekta sa mga simbahan lalo na sa mga mananampalataya at lahat ng mga tao sa Palestine at Israel.
Tiniyak din ng Santo Papa na hindi mawawala sa kaniyang pagdarasal ang mga tao sa Gaza at Israel na naiipit sa kaguluhan.