Nangako at nanindigan ang Departmet of Interior and Local Government (DILG) at ang National Police Commission (NAPOLCOM) na wala silang sasantuhin sa kasalukuyang ongoing investigation sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Sa naging pagbisita ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla sa kampo kanina para sa isinagawang simex ng 5 minute response time ng Philippine National Police (PNP), iminungkahi niya na no sacred cous ang mangyayaring imbestigasyon sa kaso ng mga nawawalang sabungero para matiyak na magiging pantay ito para a lahat.
Aniya, hindi nila sasantuhin kahit mayor, governor, o maski senador basta mapatunayang kabilang sa Alpha Group ay titiyaking mananagot at hindi makakalampa sa batas.
Nauna nman na dito ay kinumpirma rin ni Remulla na nakapagbigay na si Julie “Dondon” Patidongan ng listhan ng mga personalidad na siyang kabilang sa natuang samahan at kasalukuyan namang under verification na ng Department of Justice (DOJ).
Samantala, nakahanda naman ang kanilang tanggapan katuwang ang NAPOLCOM at maging ang DOJ sa agtanggap ng mga counter affidavit ng labindalawang pulis na isinangkot ni Patidongan sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Aniya, nakatakda nang magsumite ang mga pulis ng kanilang counter affidavit kahit anumang oras kung saan nakadepende naman sa laman nito ang susunod na hakbang ng mga ahensyang nagiimbestiga sa naturang kaso.
Paliwanag ni Remulla, dadaan sa normal na proseso ang mga affidavit ng mga pulis at maging ni Patidongan habang ang DOJ at ang DILG naman ay nasa proseso na ng pagsasagawa ng case build up para naman mabigyan ng isang rasyonal na solusyon ang pagkidnap at pagkamatay ng mga sabungero.
Sa kasalukuyan naman ay patuloy sa pagbibigay ang PNP at ng NAPOLCOM ng sapat na proteksyon kay Patidongan bilang nagiisang state witness at whistleblower sa kaso.
Ilan naman sa mga pangalan na ibinunyag ni Patidongan ang umalma at itinanggi na sangkot sila at may kinalaman sa kaso ng pagkawala ng mga biktima at kasalukuyan nang hinihingan ng mga pahayag.
May sapat na rin na kaalaman at impormasyon ang DOJ para naman sa mga personalidad na kabilang sa Alpha Group batay na rin sa mga sinumpang salaysay ni Patidongan.