-- Advertisements --

Ikinabahala ng ilang legal expert ang ulat na mayroong Maltese passport si Defense Secretary Gilbert Teodoro, bagay na anila’y labag sa batas para sa isang opisyal ng gobyerno—lalo na sa Cabinet-level positions.

Ayon kay Atty. Arnedo Valera, isang constitutional at international law expert, hindi uubra na may “sworn allegiance” sa ibang bansa ang isang kalihim ng defense dahil ito ay usapin ng pambansang integridad at seguridad.

Iginiit ni Valera na kung hindi pa rin ni-renounce ni Teodoro ang kaniyang Maltese citizenship, maaari siyang managot sa ilalim ng batas.

Sa gitna ng isyu, nilinaw naman ng Department of National Defense (DND) na isinuko na ni Teodoro ang kanyang foreign passport bago pa siya tumakbo bilang senador noong 2022.

‘The alleged existing Maltese passport of Sec. Gilberto Teodoro was surrendered and renounced,’ ani DND spokesperson Arsenio Andolong