-- Advertisements --
Inihayag ng AFP na handa silang suportahan ang pagbuo ng bagong AFP Modernization Law habang papalapit na sa 2027 ang pagtatapos ng kasalukuyang batas.
Ayon kay AFP Deputy Chief of Staff Lt. Gen. Roldan, nagbibigay na ang militar ng teknikal na payo sa DND at iba pang ahensya upang matiyak ang tuloy-tuloy na modernisasyon.
Para sa 2026, nakalaan na ₱40 bilyon para sa AFP Modernization Program at karagdagang ₱50 bilyon sa unprogrammed funds, na ayon sa AFP ay sapat na indikasyon ng suporta sa military upgrades.
Kasabay nito, patuloy pa rin ang pagsusuri ng militar sa kasalukuyang programa bago pinal na isumite ang bagong roadmap, kabilang ang pagtukoy ng bagong kakayahan at pagpaplano ng kinakailangang upgrades. (report by Bombo Jai)
















