Inaresto ng mga kapulisan si Quezon City mayoralty candidate Vincent “Bingbong” Crisologo dahil sa alegasyon ng pagbibili ng boto.

Sinabi ni Brig. Gen. Joselito Esquivel, hepe ng Quezon City Police District, nirespondihan nila ang tawag mula ilang concern citizens kaya agad nilang pinuntahan ang Aqueda St. Road 20 , Barangay Bahay Toro.

Paliwanag naman ni Crisologo na nagkakaroon lamang ng training sa mga poll watchers nila sa lugar at pinabulaanan ang alegasyon.

Inakusahan pa nito ang mga kapulisan na hindi binasa ang kanilang karapatan bago sila huliin.

Kasalukuyang nasa Camp Karingal sa Quezon City si Crisologo at anak nito.