-- Advertisements --

Hinikayat ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga mamayan na agad na ireport sa kanilang opisina kapag may alam silang kumpirmadong kaso ng coronavirus 2019.

Sinabi ng alkalde, na agad na magtutungo sa kanilang mga lugar ang City Epidemilogy and Surveillance Unit (CESU) at barangay health emergency response teams para isagawa ang kumpletong contact tracing.

Iginiit nito na bawat oras at araw ay mahalaga sa pagrereport para agad na mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Mabibigyan din ang mga nagpositibong pasyente ng libreng quarantine accomodations sa pamamagitan ng kanilang HOPE community quarantine kung saan pangungunahan ito ng mga skilled health care workers.

Nanawagan din ang alkalde sa Department of Health na ilabas agad ang mga kumpletong data ng mga positive cases para agad na maisagawa ang contact tracing.

Isang paraan na rin na ginagawa ng city government ay ang pag-iikot sa mga establishimento kung saan pinag-sasabihan ang mga employer na ireport agad sa kanilang opisina ang posibileng positibo sa COVID-19.