-- Advertisements --
Binawasan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ilang requirements para sa pagkuha at renewal ng prankisa sa mga public utility vehicles (PUV).
Ayon kay LTFRB chairman Atty. Vigor Mendoza, na tatanggalin na nila ang audited financial statesments o annual income tax returns bilang siang requirements.
Ang nasabing hakbang ay alinsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na pagkakaroon ng magaan na requirements sa mga transakyon sa gobyerno.
Sinabi pa ni Mendoza, na maraming mga operators ang nagrereklamo dahil sa dami ng mga requirements at hindi naman kailangan na ang ITR para sa pagkuha ng prankisa.
















