-- Advertisements --
Nanawagan ang Department of Finance (DOF) ng paghihigpit para maprotektahan ang mga Filipino mula sa mga abusadong online lending companies.
Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, nakarating sa kaniyang opisina na maraming mga sumbong sa kanila laban sa mga online lenders na nagsisingil ng mataas na interest na nagbabaon sa utang sa mga tao.
Dadag pa nito na mahalaga na higpitan ang mga online lenders dahil para sa proteksyon ng publiko dahil sa paglaganap ng mga online lenders.
Magugunitang noong Setyembre pa lamang ay nasa 300 na kaso ang isinampa ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) laban sa mga iba’t-ibang online lending applications.
















