-- Advertisements --

Nakatakdang pirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa unang linggo ng Enero ang 2026 national budget.

Kinumpirma ito ni Executive Secretary Ralph Recto ang pagpirma ng Pangulo sa P6.793-trillion budget ng taong 2026.

Sa nasabing hakbang ay magkakaroon ang bansa ng re-enacted budget sa loob ng ilang araw kung saan nagmamandato sa gobyerno na muling gamitin ang huling naaprubahang national budget hanggang ang bagong spending bill ay napirmahan na para maging batas.

Magugunitang inihayag ng Kongreso na target nilang ratipikahin ang 2026 spending plan sa Disyembre 29 o dalawang araw bago tuluyang mapaso ang kasalukuyang budget.