Mananatili pa rin sa puwesto hanggang 2036 si Russian President Vladimir Putin.

Ito ay matapos na ipasa ng mga mambabatas ang resolution na nagtatanggal sa term limit ng pangulo.

Nakatakda kasing magtapos na ang termino nito sa 2024 matapos na dalawang beses na nananalo ito sa pagkapangulo.

Pag-uusapan muna ang panukalang batas ng dalawang beses ng mga mambabatas.

Magkakaroon lamang sila ng clearance mula sa Constitutional Court kapag naisagawa na ang public vote sa Abril 22.

Sinabi naman ni Putin na sakaling hindi magtagumpay ang resolution ay handa itong bumaba ng kusa sa kaniyang puwesto hangang 2024.