Pinapabilisan ni Russian President Vladimir Putin ang COVID-19 vaccination campaign ng kanilang bansa.

Ito ay matapos na magtala ang Russia ng bagong daily record high na nasawi dahil sa COVID-19.

Sa kaniyang talumpati sa harap ng mga bagong halal na mambabatas, sinabi nito ang kahalagahan ng bakuna.

Nararapat aniya na bilisan ang pagpapabakuna dahil nagpoprotekta ito sa tao laban sa impeksiyon at malubhang sintomas.

Ilan kasi sa dahilan ng maraming ayaw magpabakuna sa Russia ay dahil duda ang mga ito sa bakuna na gawa nila na Sputnik V.

-- Advertisement --

Nitong Martes ay nagtala ang Russia ng 973 ang nasawi.